Umaabot sa 216 na visually impaired passengers ang nabigyan ng libreng sakay ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa unang araw ng programa nitong Martes.

Matatandaang ang libreng sakay para sa visually impaired passengers ay inilunsad ng MRT-3, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng White Cane Safety Day.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Ayon sa MRT-3, magpapatuloy ang libreng sakay hanggang Agosto 6.

Maaari anila itong i-avail sa buong oras ng operasyon ng linya.

Kinakailangan lamang na magpakita ng PWD ID ng pasahero sa security personnel sa istasyon upang makatanggap ng libreng sakay.

Makasasakay rin nang libre ang hanggang sa isa nilang aide o companion.

Ang MRT-3, na bumabagtas sa kahabaan ng EDSA, ang nagdudugtong sa North Avenue, Quezon City at sa Taft Avenue, Pasay City.