Inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang patuloy na pagsusuot ng facemask dahil sa bagong EG.5 omicron subvariant na naitala ng ahensya sa bansa.
"The Department of Health (DOH) strongly recommends the public to continue adhering to our layers of protection such as wearing face masks, isolating when sick, and ensuring good airflow," anang DOH nitong Martes, Agosto 1.
"More importantly, the DOH continuously encourages the public to get vaccinated and boosted to further strengthen our wall of immunity and to remain protected against Covid-19," dagdag pa nito.
Matatandaang noong Hulyo 22, inalis na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang State of Public Health Emergency sa buong Pilipinas na dulot ng Covid-19.
Ang naturang pagpapawalang-bisa ng Covid-19 public health emergency ay alinsunod sa Proclamation No. 297 ng Pangulo na inilabas nitong Sabado, Hulyo 22, 2023.
Ayon kay Marcos, ipinatupad ang muling pagbubukas ng international borders at pagluwag ng health at safety protocol requirements dahil sa patuloy na pagbabakuna at pagbaba ng bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa.
Maki-Balita: PBBM, inalis na ang Covid-19 public health emergency sa ‘Pinas
Noong Hulyo 27, nakapagtala ang health department ng unang 10 kaso ng EG.5 omicron subvariant base sa resulta ng genome sequencing na isinagawa mula Hulyo 14 hanggang 25.
Ang nasabing variant ay isang sublineage ng XBB.1.9.2 na binabantayan ng World Health Organization (WHO) noong Hulyo 19.
Gayunpaman, patuloy pa rin inaalam ng mga dalubhasa ang "transmissibility, severity, at immune evasion" ng EG.5 variant.