Natagpuan na ang Cessna 152 trainer plane na bumagsak sa bahagi ng Apayao nitong Martes ng hapon.

Ito ang kinumpirma ng Apayao Provincial Disaster Risk Reduction and Management officer Jeoffrey Borromeo nitong Miyerkules.

Sa social media post ng Cagayan Provincial Information Office, ang two-seater single-engine na eroplano ay natagpuan sa boundary ng Barangay Salvacion, Luna at San Mariano Pudtol, Apayao nitong Agosto 2.

Patay na rin ang dalawang sakay nito.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

Nitong Martes ng gabi, naiulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nawawala ang nasabing trainer plane matapos mag-take off sa Laoag airport sa Ilocos Norte dakong 12:16 nitong Agosto 1 at hindi na nakarating sa destinasyon nito sa Tuguegarao City.

Nauna nang naiulat na kabilang sa lulan ng eroplano sina Capt. Edzel John Lumbao Tabuzo, at student pilot Anshum Rajkumar Konde na isang Indian.