Matapos ilabas ng social media personality at negosyanteng si "Rosmar Tan Pamulaklakin" ang kaniyang music video na "Manalamin," tila pabirong sinabi ng mga netizen na "what if" daw, pagsamahin sa isang collaboration ng rap song sina Toni Fowler at Carlos Agassi.

Matatandaang bago pa pag-usapan ang music video ni Rosmar, naging kontrobersyal muna ang "MPL" at "MNM" ni Toni na pang-"adults only" at napapanood sa YouTube.

Si Carlos naman, pinutakti ng karamihan sa miyembro ng LGBTQIA+ community dahil daw sa "transphobic" niyang rap song na "Milk Tea."

Hindi pa man humuhupa ang epekto ng "Manalamin," nagbadya si Rosmar na muli siyang maglalabas ng kanta, na may pamagat na "Utang."

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Hirit tuloy ng mga netizen, mukhang sina Rosmar, Toni at Carlos ang "magsasalba" at magiging mga bagong mukha ng rap song industry sa Pilipinas.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"What if nga magsama-sama sila? Riot hahaha."

"Ladies and gents, ang mga bagong mukha ng rap song sa Pinas hahaha."

"Possible kaya mag-collab sila hahahaha."

"Gagi, ano kaya no kung magsama-sama sila?"

Ilang vloggers na rin ang gumawa ng music videos at pinagsama-sama ang mga video clips ng tatlo.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang mga nabanggit na personalidad kung kakasa sila sa hamon ng netizens.