TAYABAS CITY, Quezon — Inaresto ng pulisya nitong Lunes, Hulyo 31, ang isang ama dahil sa umano’y panggagahasa sa kaniyang anak na babae sa loob ng pitong taon, partikular tuwing sasapit ang kaarawan nito. 

Ayon sa ulat ni Police Lt. Col. Bonna Obmerga, city police chief, naghain ng reklamo ang biktima kasama ang kaniyang ina. 

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Huling ginahasa ang biktima noong Hulyo 24 dakong 10:00 ng umaga sa loob ng kanilang tahanan at naulit muli dakong 9:00 ng gabi. 

Sinabi ng biktima sa pulisya na nagsimula siyang gahasain ng kaniyang ama noong 2016 tuwing sasapit ang kaniyang kaarawan at kaarawan ng ama.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong kriminal para sa paglabag ng Republic Act 8353 (statutory rape) laban sa suspek.