Sa tala ng PAGASA kaninang 5:00 ng umaga, huling namataan ang Typhoon Falcon 925 kilometro ang layo sa silangan hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon, na may taglay na lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 215 kilometers per hour.
Kumikilos ito pa-northwestward sa bilis na 20 kilometers per hour.
“Due to the very expansive wind field of the typhoon, the hoisting of Wind Signal due to FALCON over Batanes is no longer ruled out,” anang PAGASA.
“In such a case, the highest level that may be hoisted is Wind Signal No. 1,” dagdag nito.
Makararanas umano ng pabugso-bugsong malalakas na hangin dahil sa habagat ngayong araw Batanes, Babuyan Islands, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, central at southern portions ng Aurora, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, malaking bahagi ng bansa Ilocos Region, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Western Visayas.
Inaasahan umanong magdadala ng panaka-nakang pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon sa susunod na tatlong araw dahil sa habagat.