Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Eastern Samar nitong Martes ng gabi, Agosto 1, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 10:48 ng gabi.
Namataan ang epicenter nito 40 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Homonhon Island sa Guiuan, Eastern Samar na may lalim na 14 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.