Viral ngayon ang Facebook post ng nagpakilalang dating "Eat Bulaga!" writer na nagngangalang "Jerricho Sison Calingal" tungkol sa kaniyang pag-alma sa paggamit ng TAPE, Inc. sa title na "EB Happy!" na bahagi rin ng bagong theme song ng nabanggit na noontime show.

Hindi pa man nareresolba ang kasong isinampa nina Tito Sotto III, Vic Sotto at Joey De Leon o TVJ laban sa TAPE kaugnay ng copyright infringement, heto't lumabas at nag-post ng open letter si Calingal para sa mga Jalosjos.

"PLEASE STOP! using the title EB HAPPY! That's my IP. Even the format!" panawagan ng dating EB writer kina Bullet at Seth Jalosjos.

"Ang ayos ko pong nakipag-usap sa inyo Mam Maricel Carampatana Vinarao at Direk Motz Apostol. 2 weeks n'yo na pong ginagamit ng sapilitan ang IP ko. At dahil po d'yan I've already filed a COPYRIGHT REGISTRATION for the said title sa Intellectual Property Office of the Philippines for Entertainment services in the nature of live visual and audio performances, and musical, variety, news and comedy shows."

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bags, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte

May pruweba umano si Calingal na sa kaniya ang intellectual property ng naturang titulo.

"How can I prove that it's my IP? I have screenshots,conversations and original scripts to back it up. Pag-isipin n'yo po ng ibang title at format ang mga writers nyo. Huwag po sana kayong mapagsamantala. Again MAAYOS po akong nakipag-usap sa inyo," aniya pa.

Sa isa pang mahabang Facebook post, dito na ipinaliwanag pa ni Calingal ang kaniyang panig.

"Hindi po ako Clout Chaser, happy po ako sa kaunting fame na na-experience ko after ko po manalo sa BakClash at maging isa sa mga Dabarkads."

"Ikinuwento ko po ito sa comment section para kahit paano po ay malaman n'yo ang backstory bakit po ganito ang post ko. Alam ko naman pong pagdating sa legal ay wala akong laban," paliwanag niya.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag ang kampo ng TAPE tungkol dito.