₱202.94 na babayaran sa Meralco, posible ba?

Posible para sa isang netizen matapos niyang ibahagi sa social media ang kopya ng kaniyang electric bill kung saan ganitong halaga lamang ang babayaran niya, sa loob ng isang buwang konsumo noong Hulyo.

Ayon sa viral Facebook post ng netizen na si "John Florence Argota," partida dahil may dalawang split-type aircon silang 24/7 nakabukas at walang patayan, bukod pa sa iba pang appliances gaya ng 2 gaming PC na halos wala ding patayan, 2 TV walang nanonood kahit naka-on, 4 na electric fan na wala ring patayan, 1 refrigerator at 1 water dispenser na naka-on din maghapon, 1 washing machine, at 26 na ilaw sa loob at labas ng bahay.

Sikreto?

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nagpakabit kasi ng "solar panel" ang netizen sa kanilang bahay.

"Mahal ang SOLAR pero laking-tipid naman good for 15 years hehe!" ani John Florence.

Ayon sa eksklusibong panayam ng Balita kay John Florence, aabot sa ₱300,000 ang pagpapakabit o pagpapa-install ng residential solar panel.

Masakit sa bulsa at may kamahalaan subalit bawing-bawi naman pagdating sa bayaran ng kuryente.

Batay sa comment section ay tila marami na rin ang nahihikayat na magpa-install ng solar panel upang makatipid sa electric consumption, lalo na sa mga gumagamit ng aircon kapag mainit ang panahon.

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 9.2k reactions, 6.5k shares, at 2.3k comments ang nabanggit na FB post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!