Open na ang biyahe ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Bicol ngayong araw, Hulyo 31.

Sa rutang Naga sa Camarines Sur hanggang Ligao, Albay, dalawang biyahe ng tren ang nakatakda bawat araw.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Aarangkada ang tren mula Ligao hanggang Naga dakong 5:30 ng madaling araw para sa unang biyahe habang ang ikalawang biyahe ay nakatakda dakong 5:30 ng hapon mula Naga pabalik ng Ligao.

Ayon sa pamunuan ng PNR, posibleng dagdagan ang biyahe ng tren sa naturang ruta kapag dumami ang pasahero na tumatangkilik sa serbisyo.