Naglabas ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng Notice to Appear at Testify sa mga producer ng “It’s Showtime” bunsod umano ng patong-patong na reklamo na natanggap ng Board patungkol sa ilang eksena sa isang “Isip Bata” segment na may kaugnayan sa hosts ng noontime show na sina Vice Ganda at Ion Perez.

Matatandaang napabalita kamakailan ang pagsita ng social media personality na si Rendon Labador kina Vice at Ion dahil sa ilang eksena sa “Isip Bata” noong Hulyo 25, kung saan makikita umanong kumain ng icing ng cake sina Vice at Ion sa kani-kanilang mga daliri habang nasa harapan daw sila ng mga batang kasama sa segment na sina “Argus,” “Kulot,” at “Jaze.”

MAKI-BALITA: Rendon Labador sinita sina Vice Ganda, Ion Perez: ‘Huwag sa show ng mga bata!’

Pagkatapos nito ay sinita rin ni Rendon ang MTRCB para aksyunan umano ang naturang mga eksena sa “Isip Bata” segment.

National

Lindol sa Zamboanga del Norte, ibinaba na ng Phivolcs sa magnitude 5.4

MAKI-BALITA: MTRCB sinita ni Labador: ‘Nag-eexist pa ba sila? Galaw-galaw mga boss!!!’

[embed]http://twitter.com/itsShowtimeNa/status/1683801773436203009?fbclid=IwAR0K6Igf2k7uslpmduhc3N-IjQD0B_Nx8rlNy727gjxAaca97CkpWP_snBQ[/embed]

Sa isa namang pahayag nitong Lunes, Hulyo 31, sinabi ng MTRCB na nagpapakita ng diumano’y “indecent acts” ang ilang eksena nina Vice Ganda at Ion Perez sa “Isip Bata” na inere noong Hulyo 25 sa channels ng GTV at A2Z DZOZ/DZOE 11.

“Said scene is in violation of Section 3 (c) Presidential Decree No. 1986,” pahayag ng MTRCB.

“The hearing date is scheduled on 31 July 2023, 10:00 am at the MTRCB Office in Timog Avenue, Quezon City,” saad pa nito.

Nakasaad naman sa binanggit ng MTRCB na Section 3 (c) ang mga sumusunod:

"To approve or disapprove, delete objectionable portions from and/or prohibit the importation, exportation, production, copying, distribution, sale, lease, exhibition and/or television broadcast of the motion pictures, television programs and publicity materials subject of the preceding paragraph, which, in the judgment of the BOARD applying contemporary Filipino cultural values as standard, are objectionable for being immoral, indecent, contrary to law and/or good customs, injurious to the prestige of the Republic of the Philippines or its people, or with a dangerous tendency to encourage the commission of violence or of a wrong or crime..."