Sinuyod na naman ng mga tauhan ng Task Force Lingkod Cagayan (TFLC) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang karagatang sakop ng Cagayan sa pag-asang matagpuan ang apat na rescuer ng Philippine Coast Guard (PCG) na nawawala sa kasagsagan ng Super Typhoon Egay nitong Hulyo 26.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kabilang sa inikot ng task force at PDRRMO ang karagatang bahagi ng Claveria, Fuga Island at Dalupiri sa Calayan Island.

Gayunman, hindi pa rin natatagpuan ang apat na rescuers na limang araw nang nawawala.

Nitong Hulyo 30, narekober na ang aluminum boat na ginamit ng apat na rescuer bago tumaob sa bukana ng Cagayan river habang nagsasagawa ng rescue operation sa pitong tripulante ng M/Tug Iroquois na sumadsad sa Camiguin Island, Calayan sa Cagayan nitong Hulyo 26.