Pagkakalooban ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng libreng sakay ang mga atleta at kalahok ng ika-63rd Palarong Pambansa ngayong taon.

Sa advisory ng Light Rail Transit Authority (LRTA), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-2, nabatid na magsisimula ang libreng sakay sa buong panahon ng Palarong Pambansa o mula Lunes, Hulyo 31, hanggang sa Agosto 5, Sabado.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Bukod sa mga atleta, kasama rin sa maaaring mag-avail ng libreng sakay ay ang mga coaches at trainers, miyembro ng National & Local Committee, volunteers, technical workers, mga opisyal, medical staff at maging accredited media.

"Bilang suporta sa 2023 Palarong Pambansa, ihahandog ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang libreng sakay sa LRT-2 simula July 31 hanggang August 5 para sa mga atleta at delegado nito," abiso ng LRTA.

Kinakailangan lamang ng mga ito na ipakita sa teller ang kanilang  Palarong Pambansa ID para i-avail ang libreng sakay.

Ang 63rd Palarong Pambansa ay binuksan nitong Lunes at kasalukuyan itong ginaganap sa Marikina City, na siyang host ng multi-sport event ngayong taong ito.