Inanunsyo ng University of the Philippines Manila (UPM) nitong Lunes, Hulyo 31, ang paglipat ng mga klase sa distance learning dahil sa sama ng panahon.

"Due to inclement weather, the conduct of mid-year term classes will shift to synchronous and/or asynchronous modes today, July 31, 2023," pahayag ng UPM sa kanilang social media page.

Kasalukuyang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Typhoon Falcon na inaaasahan namang lumabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) sa Martes, Agosto 1.

Ayon sa PAGASA, pinalalakas ng bagyo ang southwest monsoon o habagat na siyang nagpapaulan naman umano sa ilang bahagi ng bansa.
Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!