Laguna - Tatlong pinaghihinalaang miyembro ng kidnap for ransom group ang inaresto sa Pangil kamakailan.

Sa ulat ni Laguna Police Provincial Office (LPPO) director Col.Harold Depositar kay Police Regional Office 4A (PRO4A) director Brig. Gen. Carlito Gaces, nakilala ang mga suspek na sina Allan Laurenciano Guevarra, 45, farm caretaker,  taga-Sitio Logpond, Brgy. Sulib; Edwin Prestado, 54, farm security, taga-Rampage Madriaga Farm, Brgy. Gagalan, at Jonathan Arante, 68, farm caretaker, taga-nasabi ring lugar.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Magkakasabay na ipinatupad ng pulisya ang search warrant laban sa mga suspek dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Illegal possession of firearms and ammunition), dakong alas- 4:34 ng madaling araw nitong Sabado.

Kabilang sa mga nakumpiska ang apat na caliber .38 revolver; dalawang M16 rifles, tatlong  12-gauge shotgun, tatlong  caliber .22; isang Beretta 9mm, sub-machine gun UZI; isang caliber .357, at mga bala.

Ang search warrant ay ipinalabas ni Judge Agrifino Bravo, executive judge, 4th Judicial Region ng Lucena City, ayon pa sa pulisya.