Sampu umano ang nasawi matapos sumabog ang isang warehouse ng mga paputok sa bansang Thailand nitong Sabado, Hulyo 29.
Sa ulat ng Agence France-Presse, nangyari ang pagsabog nitong Sabado ng hapon sa bayan ng Sungai Kolok.
Naging kontrolado lamang umano ang sunog na naidulot ng pagsabog nitong Sabado ng gabi.
Bukod naman sa mga nasawi, mahigit 100 katao rin umano ang nasugatan habang daan-daang mga bahay ang napinsala.
Sa ngayon ay iniimbestigahan umano ng mga awtoridad ang pinagmulan ng insidente sa warehouse na pinaniniwalaang walang lisensya para mag-imbak ng mga paputok.