Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kapitan at 10 pang tripulante ng isang tugboat na sumadsad sa karagatang sakop ng Palaui Island, Santa Ana, Cagayan nitong Sabado, Hulyo 29.

Sinabi ng PCG, kaagad nilang nirespondehan ang pinangyarihan ng insidente sa Barangay San Vicente at sinagip ang mga tripulante ng M/Tug Sedar.

Sa paunang ulat, magmamani-obra sana ang kapitan upang itago ang kanilang tugboat dahil sa sama ng panahon.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Gayunman, tinangay sila ng malalaking alon sa mababaw na bahagi ng isla hanggang sa sumadsad ang barko.

Binabantayan pa rin ng PCG-Marine Environmental Protection (MEP) team ang nasabing lugar sa posibleng insidente ng oil spill.