Nagbigay ng reaksiyon ang dating "Eat Bulaga!" host, ngayon ay "E.A.T." host na si dating senate president Tito Sotto III sa naging pahayag ni Paolo Contis tungkol sa terminong "Fake Bulaga" na ipinupukol sa kanila ngayon.

Sina Paolo kasama sina Buboy Villar, Betong Sumaya, dating "Yorme" ng Maynila na si Isko Moreno, Alexa Miro, Kimpoy Feliciano, at iba pa ang "sumalo" sa noontime show ng TAPE, Inc. na pinamamahalaan ngayon ng magkakapatid na Jalosjos.

Ani Paolo, nasasaktan siya, sila sa itinatawag sa kanilang "Fake Bulaga" dahil wala naman daw peke sa kanilang ginagawa.

Lahat daw ng kanilang ginagawa para sa mga tao, at ang kanilang mga ngiti at saya ay hindi peke.

Paolo nasasaktan kapag tinatawag silang 'Fake Bulaga'

Pahayag ni Paolo, "Mahalaga rin po sa akin na sabihan ang ginagawa po namin ay totoo. Marami pong nagsasabi kami po ay fake. Maraming nagsasabi kami ay 'Fake Bulaga.' Wala pong peke sa pagmamahal ko sa grupong 'to."

"Kaya masakit po sa'min kapag tinatawag n'yo kaming 'Fake Bulaga' dahil wala pong fake sa ginagawa namin, sa ngiti na nakikita namin sa mga tao. Wala po," dagdag pa.

Ibinahagi naman ni Sotto sa kaniyang tweet ang isang balita tungkol dito.

"Then why not think of a new name?" ani Sotto.

Photo courtesy: Screenshot from Tito Sotto III's Twitter

"Tape inc has absolutely no right to celebrate 44 years. They existed only in 1981. They did not exist in 1979. EB ceased to be EB when TVJ left them."

https://twitter.com/sotto_tito/status/1685439671755771905

Samantala, gumugulong na sa korte ang tungkol sa labanan ng TVJ at TAPE, Inc. hinggil sa copyright infringement na isinampa ng una sa huli, kaugnay ng titulong "Eat Bulaga!"