Itinuloy ng pamahalaan ang paghahanap sa apat nilang rescuer na nawawala matapos tumaob ang sinasakyang aluminum boat habang nire-rescue ang pitong stranded na tripulante ng isang tugboat sa karagatang sakop ng Aparri, Cagayan sa kasagsagan ng Super Typhoon Egay nitong Hulyo 26.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa pahayag ng Coast Guard, nitong Linggo ng umaga ay lumusong muli sa karagatan ang mga tauhan ng Task Force Lingkod Cagayan (TFLC) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) para sa nasabing operasyon.

Umaasa pa rin ang mga rescue team na matagpuan ang apat na rescuer apat na araw matapos ang insidente.

Matatandaang tinatahak ng apat na rescuer ang Cagayan River papunta sa na-stranded na M/Tug Iroquis upang sagipin sana ang pitong tripulante sa karagatang bahagi ng Aparri nang biglang salubungin sila ng malakas na hangin at malalaking alon.

Dahil dito, tumaob ang nasabing bangka at hindi na nakita ang apat na rescuer.