Bumaba pa sa 3.9% na lamang ang nationwide Covid-19 positivity rate sa bansa hanggang nitong Hulyo 29.

Ito ang iniulat ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter account nitong Sabado ng gabi.

Sa datos na ibinahagi ni David, nabatid na ito ay pagbaba mula sa dating 4.2% na nationwide positivity rate noong Hulyo 28.

Ang positivity rate ay ang porsiyento ng mga taong nagpopositibo sa Covid-19 mula sa kabuuang bilang ng mga pasyenteng isinailalim sa pagsusuri.

Eleksyon

Camille Villar, nakisaya sa Bangus Festival sa Dagupan, nangakong palalakasin ang tulong sa mga magsasaka at mangingisda

Nagtatakda ang World Health Organization (WHO) ng 5% threshold para sa Covid-19 positivity rate.

Kaugnay nito, iniulat rin ni David na nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 176 bagong kaso ng Covid-19 sa bansa noong Hulyo 29, 2023, sanhi upang pumalo na sa 4,172,753 ang total Covid-19 cases sa bansa. Sa naturang bilang, 4,539 na lamang ang nananatili pang aktibong kaso.

Mayroon din namang 11 pasyente na sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa karamdaman.

Mayroon ring 334 pasyente ang gumaling na sa karamdaman kaya’t ang total Covid-19 cases sa bansa ay nasa 4,101,631 na sa ngayon.

“DOH reported 176 new cases, 11 deaths, 334 recoveries 4539 active cases. 3.9% 7-day positivity rate. 36 cases in NCR. Projecting 150-200 new cases on 7.30.23,” tweet pa ni David.