Nakahanda na ang housing assistance ng pamahalaan para sa mga nawalan ng bahay sa kasagsagan ng Super Typhoon 'Egay' sa Northern Luzon kamakailan, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Nilinaw ni Marcos na tinutukoy na ng gobyerno ang mga pamilyang makikinabang sa nasabing tulong.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

“Hinahanap naman namin para makapagbigay ng assistance lahat ng partially damaged ang bahay, mga totally damaged mas mahirap dahil talagang tatayuan pa natin sila ng bahay. That’s the problem now,” anang Pangulo.

“Sa mga nasiraan ng bahay – completely destroyed houses – mayroong emergency support na gagawin ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), ang human settlements at mayroon ding gagawin ang NHA (National Housing Authority) para magtulungan sila and mayroong assistance at magpapatayo rin ng bahay,” anang punong ehekutibo.

Magbibigay din aniya ng construction materials ang pamahalaan para sa nawalan ng bahay.

Matatandaang ilang residente sa Hilagang Luzon ang nananatili sa mga evacuation center dahil sa matinding pagbaha sa kanilang lugar bunsod ng bagyo.