Mas lumakas pa ang bagyong Falcon at nakataas na ito sa “typhoon” category, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo ng gabi, Hulyo 30.

Sa tala ng PAGASA kaninang 11:00 ng gabi, huling namataan ang Typhoon Falcon 1,090 kilometro ang layo sa silangan ng Extreme Northern Luzon, na may taglay na lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 170 kilometers per hour.

Kumikilos ito pahilaga hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.

Batay sa kasalukuyang senaryo ng pagtataya ng PAGASA, nananatili umanong malabo ang pagtaas ng Wind Signal dahil sa bagyong Falcon, at kasalukuyan umano itong malayo sa kalupaan ng bansa.

Eleksyon

Comelec, nagsalita tungkol sa source code na nasa ACM

Gayunpaman, inaasahan umanong magkakaroon ng pabugso-bugsong malalakas na hangin hanggang bukas sa Zambales, Bataan, Cavite, Lubang Island, Kalayaan Islands, Cuyo Islands, Romblon, hilagang-kanluran ng Antique, Camarines Sur, at Albay dahil sa southwest monsoon o habagat na pinalalakas ng bagyo.

Maaari naman umanong lumabas ng PAR ang bagyong Falcon pagsapit ng Lunes ng gabi o Martes ng umaga, Agosto 1.