Tuluyan pang lumakas ang bagyong Falcon at isa na itong ganap na severe tropical storm, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo ng umaga, Hulyo 30.

Sa tala ng PAGASA kaninang 5:00 ng umaga, huling namataan ang Severe Tropical Storm Falcon 1,190 kilometro ang layo sa silangan ng Northern Luzon, na may taglay na lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-north northwestward sa bilis na 15 kilometers per hour.

The hoisting of Wind Signal due to FALCON over any locality in the country remains unlikely based on the current forecast scenario,” anang PAGASA.

National

DOH, nilinaw na hindi kumpirmado kumakalat na umano’y ‘international health concern’

Kasalukuyan pa rin umanong malayo sa kalupaan ng bansa ang bagyo, ngunit pinalalakas nito ang southwest monsoon o habagat na nagdudulot naman ng ilang pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas sa hanggang sa susunod na tatlong araw.

Inaasahan umanong lalakas pa ang bagyo sa susunod na tatlong araw at aabot sa “typhoon” category ngayong Linggo ng gabi o bukas ng umaga, Lunes, Hulyo 31.

Maaari naman umanong lumabas ng PAR ang nasabing bagyo pagsapit ng Lunes ng gabi o Martes ng madaling araw, Agosto 1.