Mas lumakas pa ang Severe Tropical Storm Falcon habang patuloy itong kumikilos pahilaga sa Philippine Sea, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo ng hapon, Hulyo 30.

Sa tala ng PAGASA kaninang 5:00 ng hapon, huling namataan ang Severe Tropical Storm Falcon 1,170 kilometro ang layo sa silangan ng Northern Luzon, na may taglay na lakas ng hanging aabot sa 110 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 135 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-hilaga sa bilis na 20 kilometers per hour.

Inaasahan umano itong aabot sa “typhoon” category ngayong gabi o bukas ng madaling araw, Hulyo 31.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Batay sa kasalukuyang senaryo ng pagtataya ng PAGASA, nananatili umanong malabo ang pagtaas ng Wind Signal dahil sa bagyong Falcon, at kasalukuyan umano itong malayo sa kalupaan ng bansa.

Gayunpaman, inaasahan din umano ang pabugso-bugsong malalakas na hangin ngayong araw sa Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Occidental Mindoro, Palawan, Romblon, Northern Samar, malaking bahagi ng CALABARZON, Bicol Region at Western Visayas dahil sa southwest monsoon o habagat na pinalalakas ng bagyo.

Maaari naman umanong lumabas ng PAR ang nasabing bagyo pagsapit ng Lunes ng gabi o Martes ng madaling araw, Agosto 1.