Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nagsagawa ng aerial search operation ang Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatang sakop ng Aparri, Cagayan sa pag-asang matagpuan ang apat na rescuer na nawala sa kasagsagan ng Super Typhoon Egay nitong Hulyo 26.

Ginamit ng Coast Guard ang kanilang aviation force helicopter upang tumulong sa pagsuyod sa naturang lugar nitong Linggo ng umaga.

Kasama rin sa operasyon ang Task Force Lingkod Cagayan (TFLC) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Matatandaang magreresponde na sana ang apat na rescuer sa sumadsad na M/Tug Iroquis upang sagipin ang pitong tripulante nito sa bukana ng Cagayan River nitong Hulyo 26 dakong 4:00 ng hapon nang tumaob ang sinasakyang PCG aluminum boat.

Hindi pa isinapubliko ng PCG ang pagkakakilanlan ng apat na rescuer.