Kinumpirma nina Vic Sotto at Pauleen Luna na may paparating silang bagong blessing at ito’y isang baby!

Sa Instagram post ni Pauleen nitong Sabado, Hulyo 29, ini-upload niya ang video ng kaniyang panganay na si Talitha na may hawak ang lobong may nakasulat na “big sister.”

National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina

“Someone’s excited to be a…” saad nito sa caption. 

Samantala, inanunsyo naman ni Vic ang pagbubuntis ng kaniyang misis sa latest episode ng E.A.T ngayon ding Sabado. 

"Dahil celebration of love ngayon, gusto ko lang i-announce na nagbunga ang aming pagmamahalan,” saad ng TV host. 

Kaliwa’t kanang pagbati naman ang natanggap ng mag-asawa mula sa malalapit na kaibigan sa showbiz at maging sa netizens.

Congratulations, Bossing and Poleng!