
(Cagayan Provincial Information Office/FB)
State of calamity, posibleng ideklara sa Cagayan
Pinag-aaralan na ng Cagayan provincial government na isailalim sa state of calamity ang lalawigan matapos hagupitin ng bagyong Egay kamakailan.
“Ang magiging basis niyan ay ang mae-establish na report ng ating team on the extent of the damages,” banggit ni Cagayan Disaster Risk Reduction officer Ruelie Rapsing sa isang television interview nitong Biyernes ng gabi.
Sakaling ideklara ang state of calamity, gagalawin na ng pamahalaang panlalawigan ang pondo nito para sa rehabilitasyon sa nabanggit na lugar.
Sa datos ng Department of Agriculture, aabot na sa ₱470 milyon ang pinsala sa agrikultura bunsod ng bagyo.