Isinailalim na sa Ssate of calamity ang Sanchez Mira sa Cagayan dahil na rin sa pinsalang iniwan ng bagyong Egay.

Paliwanag ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)-Sanchez Mira, ang naturang hakbang ay tugon sa rekomendasyon ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) 

Layunin din nitong maiwasan ang pagtaas ng presyo ng bilihin at pagbibigay ng walang interes na pautang sa lugar.

Probinsya

14-anyos na dalagita, ginahasa umano ng amain at 19-anyos na kapatid

Sa monitoring ng MDRRMO-Sanchez Mira, nasa 137 na pamilya ang lumikas sa kasagsagan ng bagyo dulot ng matinding pagbaha at pansamantala silang nanunuluyan sa mga evacuation center.