Inayudahan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamilya ng 18 sa 26 na nasawi sa pagtaob ng pampasaherong bangka sa Binangonan, Rizal kamakaikan.

Paliwanag ng Field Office 4A ng ahensya, pinuntahan nila nitong Sabado ang mga naturang pamilya sa Talim Island, Binangonan upang ipamahagi ang tig-₱10,000 financial assistance.

Una nang ipinangako ng DSWD ang nabanggit na tulong kasunod ng aksidente sa bahagi ng Barangay Kalinawan nitong Hulyo 27 ng hapon.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Bukod sa ayuda, nagsagawa rin ang ahensya ng sabay-sabay na psychological first aid (PFA) sa mga miyembro ng pamilya ng mga nasawi dahil na rin sa stress na dulot ng trahedya.