Umarangka na ang mobile kitchen ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan at hinatiran ng pagkain ang mga residenteng naapektuhan ng pagtama ng bagyong Egay sa Abulug.

Probinsya

Bangkay ng babaeng binigti umano ng mister, natagpuang nakasilid sa ilalim ng kama!

Nasa 639 na residente ng Barangay Sta. Rosa at San Agustin ang nabigyan na ng pagkain ng mobile kitchen.

Sa pahayag ng Cagayan provincial government, ang pamamahagi nila ng pagkain ay malaking tulong sa mga pamilya, lalo na sa panahon ng kalamidad.

Ipinatutupad ang nasabing hakbang sa tulong ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Cagayan Tourism Office (PTO), at Cagayan Provincial Learning and Resource Center (CPLRC).