Sumugod na ang mga opisyal ng gobyerno sa Aparri, Cagayan upang tulungan ang mga sinalanta ng bagyong Egay.

Kabilang din sa nagtungo sa lugar si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na pinangunahan ang distribusyon ng family food packs at non-food packs sa mga evacuee.

Idinahilan naman ng opisyal, inatasan sila ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. upang tiyaking sapat ang tulong para sa mga binagyo sa lalawigan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sinamantala na rin ng DSWD ang pagkakataon upang mamahagi ng tig-₱3,000 ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng ahensya.

Sa datos ng Cagayan Provincial Information Office, mahigit na sa 43,000 residente ang naapektuhan ng bagyo sa Cagayan.