Opisyal nang nagpaalam sa pagsali sa beauty pageants si Kapuso actress-beauty queen Herlene Budol, batay sa kaniyang video na ini-upload niya sa kaniyang social media platforms, partikular sa TikTok.

"Kung san man po ako dalhin ng ms philippines tourism 2023 yun napo ang aking last pageant herlene nicole budol im signing off sa pageant lang ha #fyp," mababasang caption sa kaniyang TikTok account.

Ayon kay Herlene, naka-tatlong pageants na raw siya at tila hindi umaayon sa kaniya ang kapalaran dahil hindi pa siya nakakasungkit ng title.

Tila sinasabi raw ng kapalaran sa kaniya na hindi para sa kaniya ang pagpa-pageant.

Wilbert Tolentino, opisyal nang nagbitiw bilang talent manager ni Herlene Budol

“Nakakatatlong pageant na po ako pero hindi pa rin po puwede. Ibig sabihin, huwag na natin pong ipilit," malungkot na sabi ni Herlene.

"Ibig sabihin po no'n, ako po si Herlene Nicole Budol na nagsasabing, ‘Sorry, Pilipinas, this is my last pageant."

"Herlene Budol is signing off."

Ang tinutukoy na last pageant ni Herlene ay ang pagiging "Miss Tourism Philippines" niya, nang sumali siya sa "Miss Grand International" kamakailan.

"Uy hindi po ako umaarte ha," ani Herlene nang mapaiyak na siya.

"Nasasaktan lang po ako kasi... sabi ko hindi ako iiyak eh... nasasaktan lang po ako kasi parang totoo po lahat ng sinasabi n’yo na pinipilit ko lang po talaga na sumali, na hindi ko po deserve."

"Nagsusubok lang po ako na abutin yung mga pangarap ko, na magkaroon po ako ng crown at ma-represent ko po yung Pilipinas, pero ‘di ko po pala kaya."

"Siguro yung panahon na yung nagsasabi sa akin na, ‘Uy, tama na, Herlene. Gumising ka na sa katotohanan, hindi mo kaya i-represent ang Pilipinas."

“Kayo po yung dahilan kung bakit po ako 'andito. Sa mga ayaw po sa akin, titigil na po ako. Hindi ko na po ipipilit yung sarili ko, dagdag pa niya.

Matatandaang opisyal nang nagbitiw bilang talent manager niya si Wilbert Tolentino kamakailan, na siyang dahilan kung bakit nagkaroon siya ng "bonggang transpormasyon" at nagbigay-daan upang mapasok niya ang pageantry.