Ibiniyahe na nitong Sabado, Hulyo 29, ang relief goods patungong Calayan Island na isa sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Egay kamakailan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa social media post ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 2,000 family food packs ang ipinadala ng Region 2 Field Office ng ahensya sa nasabing isla.

Ikalawa ang Calayan sa binayo ng bagyo nitong Hulyo 26. Unang hinagupit ng bagyo ang Fuga Island sa nasabi ring lalawigan.

Nauna nang inatasan ni DSWD Central Office ang mga regional office nito na magpadala ng relief goods sa mga lugar sa Cagayan na kabilang sa sinalanta ng bagyo.