Nanawagan ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa pamahalaan na magpataw ng agarang “price freeze” sa mga produktong agrikultural sa mga lugar na labis na nasalanta ng bagyong Egay.

Ayon sa KMP nitong Biyernes, Hulyo 28, inaasahang tumaas muli ang presyo ng bigas, mga gulay, manok, isda at iba pang produktong pagkain matapos ang paghagupit ng Super Typhoon Egay sa mga bukirin at baybaying lugar, partikular na sa mga rehiyon ng Central at Northern Luzon.

Humiling din ang grupo ng agarang tulong para sa mga magsasaka, mangingisda, at mga residenteng nasalanta ng bagyo.

Samantala, ikinalungkot naman ni KMP Secretary General Ronnie Manalo kung paanong nasa ibang lugar umano si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. tuwing may kalamidad sa bansa.

Politics

Sonny Trillanes kay Bam Aquino: 'Wag mong mamaliitin itong isyu ng impeachment!'

"It is rather unfortunate that every time a calamity hits the country, the President is somewhere else, most of the time, out of the country enticing businesses to invest in the Philippines," ani Manalo.

"Hindi sapat na naka-monitor lang sa sitwasyon ang Pangulo, dapat nandito siya kapag kailangan siya ng ating mga kababayan," saad pa niya.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado, Hulyo 29, umabot na sa ₱833,889,970.48 ang nasira sa agrikultura ng bansa dahil sa bagyong Egay.