Kumasa sa hamon ng pagpapatuli ang 73-anyos na lolo mula sa Zone Pansat, Brgy. Calawisan, Lapu-Lapu City na nag-uwi naman ng ₱20,000 mula sa kanilang alkaldeng si Mayor JUnard "Ahong" Chan.

Nagpatuli ang naturang senior citizen na nagngangalang "Tatay Mado" sa proyektong libreng-tuli ni Mayor Chan.

Sa halip na ₱10k na incentive para sa mga lalaking 20-anyos pataas na maglalakas-loob na magpatuli, dinoble nila ang bigay sa lolo dahil nga sa edad nito.

Si Tatay Mado ay may pitong anak na raw at 62 apo.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

"Lakip si Tatay Mado nga taga-Zone Pansat, Brgy Calawisan nga midawat sa akong hagit nga magpatuli. Ang nakanindot, 73 anyos na pa gyud siya nga aduna nay 7 ka mga anak ug 62 kabuok apo. Wala makapugong ang iyang edad sa pagsanong sa atong panawagan nga “Walay apo ni Lapulapu nga pisot”. Kaso lang murag dili na ni apo ni Lapulapu si Tatay Mado, murag ig-agaw na gyud ni siya ni Lapulapu. Hehehe," mababasa sa Facebook post ni Mayor Chan.

"Tungod kay senior citizen naman siya, gi-doble nato ang iyang bonus ug tibuok nga P20,000 ang iyang nadawat. Naka-ingon gyud si Tatay paghuman sa tuli nga ,”Impas tanan utang ani nig uli”. Natuli na gani nga libre, impas pa gyud tanang utang. Sanaol. Aduna say tulo ka laing mga nagpatuli nga lapas sa 20 ang edad nga nakadawat sab og P10,000 matag usa," dagdag pa.

Sa kabuuan daw, ₱50k na ang naipamimigay na incentive ni Mayor Chan.

Ang pagtutuli o circumcision ay isa nang tradisyunal na gawain para sa mga lalaki sa Pilipinas at iba pang bansa, hudyat ng pagiging binatilyo.

Batay sa usaping agham, wala namang dulot na sama sa kalusugan kung "uncut" o hindi tuli ang isang lalaki.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!