Isa pa ang naiulat na nasawi at 14 ang bagong kaso ng diarrhea sa Rapu-Rapu, Cebu.

Ito ang kinumpirma ng Provincial Health Office ng Albay kasunod na rin ng naiulat na nagkaroon ng water contamination sa Barangay Gaba nitong Biyernes.

Ayon sa health office, kontaminado ang pinagkukunan ng inuming tubig sa naturang lugar 

Tatlo sa nasabing kaso ang patuloy na ginagamot sa ospital.

Probinsya

Bagong silang na sanggol, natagpuan sa damuhan

Kinumpirma rin ni PHO-Water, Sanitation, and Health (WASH) Coordinator, Sanitary Engr. William Sabater, na madumi ang pinag-iigiban ng mga residente na nagresulta sa pagkamatay isa sa pasyente.

Kamakailan, nasa 45 na kaso ang naitala sa Brgy. Manila na ikinasawi ng dalawang pasyent.

Katabi lamang ng Brgy. Manila ng Brgy. Gaba.