Nasa 26 pasahero ang nasawi at 40 iba pa ang nakaligtas matapos tumaob ang sinasakyang pampasaherong bangka sa Laguna de Bay sa Binangonan, Rizal nitong Huwebes ng hapon, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Hindi pa isinapubliko ng Coast Guard Sub-station Binangonan ang pagkakakilanlan ng mga nasawi sa insidente.

Sa paunang report ng PCG, ang insidente ay naganap ilang yarda na lamang ang layo sa daungan sa Barangay Kalinawan, Binangonan.

Tumaob ang MBCA Princess Aya dahil sa malalaking alon at malakas na hangin.

Probinsya

'Bawal judgemental?' Lalaking nilait ang katrabaho, tinaga sa ulo!

Naiulat na nag-panic ang mga pasahero at lumipat sa gilid ng bangka matapos hampasin ng malalaking alon.

Dahil dito, nawalan ng balanse ang bangka hanggang sa tumaob.

Nagsagawa pa ng search and rescue/retrieval operations ang mga tauhan ng PCG.

Iniimbestigahan na ng PCG at pulisya ang insidente.