Excited na ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez na maging manugang ang aktres na si Maine Mendoza. 

Sa isang Instagram post nitong Huwebes, Hulyo 27, sinabi ni Sylvia masaya siyang tinupad ng Diyos ang kaniyang panalangin na makasundo ang pamilya ng mapapangasawa ng kaniyang anak. 

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Ito ang isa sa mga dasal ko bilang INA na makasundo ng Pamilya ang mapapangasawa ng mga anak ko. Masaya ako at nagpapasalamat dahil ibinigay ng DIYOS ang panalangin kong ito,” anang aktres.

Bukod dito, nag-iwan din ng mensahe ang premyadong aktres kay Maine na mapapangasawa ng kaniyang anak na si Arjo.

“Matagal na kitang minahal at itinuring na isang tunay na anak mula ng minahal mo ang anak kong si Arjo @mainedcm ❤️ Ngayon, hayaan mo naman akong iparamdam sayo ng buong buo ang pagmamahal at pagtanggap sayo bilang isang tunay na anak, gaya ng ipinaramdam sa akin ng mga biyenan ko,” mensahe niya.

“Tara na! Mag YES, I Do ka na para selyado na. Love you Menggay.”

Kamakailan lamang ay naghandog siya ng bridal shower para kay Maine.

Maki-Balita: ‘Future mother-in-law’ Sylvia may pa-bridal shower sa mamanuganging si Maine

Samantala, kumakalat ngayon sa social media na ngayong Biyernes, Hulyo 28, ang kasal nina Maine at Arjo. Trending topic ngayon sa Twitter ang #ArjosMaineEvent—na sinasabing hashtag para sa kasal ng dalawang personalidad.