Umabot na sa 13 indibidwal ang nasawi matapos ang pananalanta ng bagyong “Egay” sa bansa, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes, Hulyo 28.

Sa ulat ng NDRRMC, anim sa mga nasawi ang nakumpirma na, kung saan lima rito ang mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) at isa ang mula sa Western Visayas.

Apat umano sa kanila ang nasawi dahil sa pagkalunod, habang dalawa ang bunsod ng paggguho ng lupa.

Ayon pa sa NDRRMC, nasa 140,923 mga pamilya o 502,782 mga indibidwal sa bansa ang naapektuhan ng bagyo, kung saan 8,890 mga pamilya o 29,223 indibidwal ang pansamantalang tumutuloy sa evacuation centers.
National

4 na lalaki, arestado; higit ₱44M halaga ng shabu, marijuana atbp., narekober