Kasado na sa darating sa Martes, Agosto 1, ang face-to-face mass oathtaking para sa bagong nurses ng bansa, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Sa Facebook post ng PRC, magaganap ang naturang oathtaking sa Agosto 1, dakong 8:00 ng umaga, sa Dotties Place Hotel, Butuan City.

“All successful examinees who are interested in attending the face-to-face mass oathtaking shall register not later than 12:00 NN of the day prior to the date of the oathtaking at http://online.prc.gov.ph to confirm their attendance,” anang PRC.

“Inductees must PRINT the Oath Form with the generated QR code which will be submitted during the oathtaking to be tagged as ‘attended’,” dagdag nito.

National

Sonny Angara, nanumpa na bilang DepEd secretary

Inabisuhin din ng Komisyon ang mga lalahok sa in-person oathtaking na dalhin ang kanilang Vaccination Card o ang kanilang Negative RT-PCR/COVID-19 anti-gen swab results na kinuha sa loob ng 48 oras bago ang oathtaking.

“It is advised that inductees register and confirm their attendance in the regions where they took their licensure examination and intend to register as professionals,” saad pa ng PRC.

Para naman sa mga hindi makakadalo sa nakatakdang face-to-face mass oathtaking, maaari pa rin umano silang dumalo sa pamamagitan ng isasagawang online oathtaking o humiling ng isang special oathtaking. 

"After the oathtaking, inductees shall proceed with their Initial Registration by securing an online appointment at http://online.prc.gov.ph," anang PRC.