Pinangunahan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang distribusyon ng relief goods sa Laoag City sa Ilocos Norte na hinagupit ng bagyong Egay.

Binisita muna ng opisyal ang mga apektadong residente sa iba't ibang barangay sa lungsod bago namahagi ng relief supplies.

Kabilang lamang ang siyudad sa mga sinalanta ng bagyo sa naturang lalawigan kamakailan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nitong Biyernes, namahagi na ng family food packs ang DSWD sa mga residente ng Brgy. Zamboanga at Cabugaan sa Laoag City.

Kamakailan, iniutos ni Gatchalian nia suplayan pa ng relief goods ang Ilocos region matapos masira ng bagyo ang ilang family food packs na nakaimbak sa isang bodega ng ahensya sa lungsod.