Ibinahagi ng Nobel Prize ang larawan ng diploma ni Albert Einstein na natanggap umano niya noong taong 1900.

“Take a look at Albert Einstein's abgangszeugnis (diploma) that he received 123 years ago,” anang Nobel Prize sa isang Facebook post nitong Huwebes, Hulyo 27.

Ayon sa Nobel Prize, nakuha ni Einstein ang naturang diploma matapos niyang matapos ang kaniyang pag-aaral sa Polytechnic Institute sa Zurich, Switzerland mula noong 1896 hanggang 1900.

Si Einstein umano ang nakatanggap ng “Nobel Prize in Physics 2021” dahil sa kaniyang serbisyo sa Theoretical Physics.

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

“The Nobel Prize in Physics 1921 was awarded to Albert Einstein for his services to Theoretical Physics, and especially for his discovery of the law of the photoelectric effect,” anang Nobel Prize.