Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Biyernes ng gabi, Hulyo 28, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 9:58 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 308 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 166 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.