Dagsa na ang mga tao at mga grupong nagkakaloob ng tulong para sa mga biktima ng bagyong Egay na nanalasa sa bansa kamakailan.
Kabilang dito si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago, na naghahatid ng kinakailangang tulong sa mga residente ng Cagayan na naapektuhan ng bagyong Egay.
Pinasalamatan din ni Pialago si Kevin Yao, pangulo at CEO ng Autokid, para sa donasyon nitong 100 kahon ng mga sardinas at 100 sako ng bigas para sa mga mamamayan ng Cagayan.
“I am very grateful to my friends for supporting my advocacy of helping Filipinos during calamities. Mr. Yao was very generous for adding more relief goods for the people of Cagayan devastated by the super typhoon,” ayon kay Pialago, na nagsilbi bilang tagapagsalita ng MMDA sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“With or without a position, it is my life’s mission to help. Kahit ordinaryong tao ka, kung gugustuhin, makakatulong ka sa kapwa mo. All it takes is to have the will to help others,” aniya pa.
Tulad ng kanyang kasalukuyang nobyo na si Vice Governor Melvin "Boy" Vargas Jr. na mula sa Cagayan, nainlab din ang dating tagapagsalita ng MMDA sa ganda ng lalawigan.
“Cagayan is a very beautiful place. I have fallen in love with it and its people,” ani Pialago.
Nanawagan pa si Pialago sa publiko na tulungan ang mga residente ng Cagayan, at iba pang mga lugar na matinding sinalanta ng bagyo.
“I am urging others to step up and help our kababayans in need.
Kailangan nila tayo ngayon. I strongly believe na kapag tayo ay sama-sama at tulong-tulong, kaya nating harapin kahit ano mang unos,” aniya pa.
Matatandaang si Pialago ang founder ng Malasakit Movement, na kilala rin sa kanilang mga charitable works, partikular na noong kasagsagan ng panahon ng COVID-19 pandemic.