Iniutos na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagsasagawa ng imbentaryo sa mga nasirang family food packs (FFPs) na nakaimbak sa bodega ng ahensya sa Laoag City, Ilocos Norte dulot bagyong Egay.

“After the storm, let's take stock of what got damaged and try to salvage what we can,” utos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian kay DSWD Ilocos regional director Marie Angela Gopalan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Dahil dito, ipinag-utos din ni Gatchalian sa Disaster Response and Management Group (DRMG) na suplayan pa ng FFPs ang lugar upang madagdagan pa ang imbak nito.

Pinadadagdagan din ni Gatchalian ang family food packs sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Cagayan Valley Region na hinagupit nang husto ng bagyo.