Mga binahang residente sa Batac City, Ilocos Norte, inilikas ng PCG
Inilikas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga binahang residente sa ilang lugar sa Batac City, Ilocos Norte dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng bagyong Egay nitong Huwebes.
Kabilang sa mga inilikas ang mga residente ng Barangay Bil-loca, kasama na ang isang senior citizen na isinugod sa Mariano Marcos Memorial Hospital dahil sa "hypertension."
Sa pahayag ng Coast Guard, nasa 31 na residente ng Laoag City ang kabilang sa mga isinailalim sa sapilitang paglilikas sa dahil sa lagpas-tao na tubig-baha kasunod ng pagbayo ng bagyo.
Prayoridad ng PCG ang kaligtasan ng mga bagong silang na sanggol, gayundin ang mga senior citizen, at kabataan sa isinagawang paglilikas sa mga nasabing lugar.