Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na patuloy na humihina ang bagyong Egay, at posible na umano itong lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) hanggang ngayong Huwebes ng tanghali, Hulyo 27.

Sa ulat ng PAGASA kaninang 5:00 ng umaga, huling namataan ang sentro ng typhoon Egay 195 kilometro ang layo sa kanluran ng Basco, Batanes, na may maximum sustained winds na umaabot sa 150 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 185 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-northwestward sa bilis na 15 kilometers per hour.

Dahil dito, nakataas sa Signal No. 2 ang mga sumusunod na lugar:

National

27 volcanic earthquakes, naitala mula sa Bulkang Kanlaon

  • Batanes
  • Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands
  • Apayao
  • Kalinga
  • Abra
  • Ilocos Norte
  • Hilaga at gitnang bahagi ng Ilocos Sur (Magsingal, San Esteban, Banayoyo, Burgos, City of Candon, Santiago, San Vicente, Santa Catalina, Lidlidda, Nagbukel, Sinait, San Ildefonso, Galimuyod, City of Vigan, San Emilio, Cabugao, Caoayan, San Juan, Santa, Bantay, Santo Domingo, Santa Maria, Narvacan)

Naitala naman ang Signal No.1 sa mga sumusunod:

  • Isabela
  • Quirino
  • Nueva Vizcaya
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • Benguet
  • Mga natitirang bahagi ng Ilocos Sur
  • La Union
  • Pangasinan
  • Aurora
  • Nueva Ecija
  • Tarlac
  • Hilagang bahagi ng Zambales (Botolan, Iba, Candelaria, Cabangan, Palauig, Santa Cruz, Masinloc)

Bagama’t posible nang umalis ng PAR ang bagyo sa paglipas ng ilang oras, ayon sa PAGASA, inaaasahan pa rin umanong magdadala ng occasional hanggang monsoon rains sa kanlurang bahagi ng Central Luzon and Southern Luzon sa susunod na tatlong araw dahil sa Southwest Monsoon o habagat na pinalakas ng bagyo.