Ibinahagi ng "Maid in Malacañang" at "Martyr or Murderer" director-writer na si Darryl Yap ang kontrobersyal na Facebook post ng premyadong aktres na si Elizabeth Oropesa, matapos niyang ipaliwanag ang kaniyang panig tungkol sa paglalabas ng video para kay "Sir," at pagsasabing hindi na siya isang Marcos loyalist.

Si Elizabeth, ay isa sa mga artistang nagpahayag ng pagsuporta sa kandidatura ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. noong nagdaang kampanya, at hayagang tagasuporta at loyalista ng pamilya Marcos.

Isa rin si Elizabeth sa mga artistang gumanap sa MiM bilang mga kasambahay (Beverly Salviejo at Karla Estrada) na siyang nakasaksi sa naging galawan ng pamilya Marcos sa loob ng Palasyo, ilang araw bago sila umalis at lumipad sa ibang bansa dahil sa EDSA People Power I Revolution.

Aniya sa kaniyang FB post, "Dear Sir, kinatay na ang pagkatao ko ng mga kapwa ko loyalist 'kuno' dahil lang sa pagtawag ko ng pansin mo. Magalang po ako. Galing sa puso ang pakiusap at pagtatanong ko. Pero hindi nila nakita yun. Bashing pa rin ang napala ko."

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"Hindi ako takot sa kanila. Matapang lang sa Social Media. Mga duwag naman sa personal at walang kwentang tao. Sa tingin ninyo totoo ninyo silang kakampi?"

"Hindi po ako nag-iisa. Ako lang palagi ang nauuna. Katulad ng panahong ipinagtanggol ko ang iyong Ama at pamilya. Saka lang susunod ang iba. Ang loyalty po ng katulad ko ay HINDI NABIBILI."

Sa bandang dulo ng kaniyang post, tila sinabi ni Elizabeth na hindi na siya Marcos loyalist.

"Hayaan n'yo po. Husto na ako. Hindi naman kayo Dios. Hindi nakasalalay sa inyo ang kaluluwa ko."

"Gumagalang pa rin,

"Hindi na Marcos Loyalist,"

"Elizabeth Oropesa."

Ibinahagi naman ito ni Yap sa kaniyang Facebook post at saka kinomentuhan, "kapal ng mukha ng mga kakamkam. mga yuck."

Hindi naman inelabora ng direktor kung anong ibig niyang sabihin sa kaniyang post.