Pagkakalooban ng tulong pinansiyal ng Caritas Manila ang mga residenteng naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Egay.

Nabatid nitong Huwebes na inaprubahan ni Father Anton CT Pascual, ang executive director ng Caritas Manila, ang pagpapadala ng inisyal na tig-P200,000 cash sa apat na diyosesis sa Hilagang Luzon.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Kabilang sa mga makakatanggap ng naturang financial aid ay ang Archdiocese of Tuguegarao at Diocese of Laoag sa Ilocos Norte.

Mabibiyayaan din nito ang Diocese of Nueva Segovia sa Ilocos Sur at Diocese of Bangued, Abra.

Sa kasalukuyan ay hinihintay ay hinihintay pa rin umano ng Caritas Manila ang update mula sa Diocese of Baguio, Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe at Diocese of Batanes na apektado din ng hagupit ng bagyong Egay upang mapagkalooban din ng kinakailangang tulong.