Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) nitong Huwebes, Hulyo 27, na ganap nang bagyo ang binabantayan nitong low-pressure area (LPA) sa silangan ng Eastern Visayas, at maaari umano itong pumasok ng Philippine area of responsibility (PAR) sa darating na Sabado ng gabi, Hulyo 29, o Linggo ng umaga, Hulyo 30.

Eleksyon

Maja Salvador kay Tito Sotto: 'Senador na maaasahan'

Ayon sa PAGASA, ganap na naging tropical depression ang nasabing LPA nitong Huwebes dakong 8:00 ng umaga.

Huli naman itong namataan 1,470 kilometro ang layo sa silangan ng Eastern Visayas, ngunit nasa labas pa rin naman ng PAR.

Inaasahan umano itong pumasok ng PAR sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga, at tatawaging “Falcon.”

“The possibility of hoisting a Tropical Cyclone Wind Signal in any part of the country during the occurrence of this Tropical Cyclone within the PAR region based from the current scenario is unlikely,” anang PAGASA.

“This tropical cyclone may intensify over the TCA region and reach Typhoon category with peak intensity of 155 km/h before entering the PAR region,” dagdag nito.

Posible namang palakasin ng naturang bagyo ang Southwest Monsoon o habagat, na siyang magdudulot ng pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas simula sa Sabado, ayon pa sa PAGASA.